HomeHome  RegisterRegister  Log inLog in  

Share | 
 

 Lihim sa Los Baños (Lovecraftian Horror) Discussion and Signups [RP RESURRECTED]

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Vir

avatar

Posts : 1486
Join date : 2011-08-02
Age : 27
Location : Kanto

Character sheet
HP:
104/104  (104/104)
Cash: 10700

PostSubject: Lihim sa Los Baños (Lovecraftian Horror) Discussion and Signups [RP RESURRECTED]   Fri Nov 14, 2014 10:01 pm


Mga Kaibigan,

Alam ko na hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko. Alam ko na sa tingin ninyo nasisiraan na ako ng ulo. Hindi kayo nagkakamali doon. Matapos ng aking mga naranasan, aking mga nakita, sa tingin ko ay may karapatan na akong mabaliw. Pero isa akong baliw na nagsasabi ng totoo. Parang awa ninyo, makinig kayo sa kwento ko, bago lalong dumami pa ang bilang ng mga dadaluhan ninyong lamay.

Nagsimula ang lahat dahil sa mga estudyanteng iyon. Sila Japet Cortes at ang kanyang mga kaibigan. Hindi ko alam kung saan nila nahanap yung librong iyon. Sabi ni Lito inuwi daw ni Japet galing sa probinsya nila, pamana daw ng kanyang lola. Sabi naman ni Grace nahanap daw ni Japet yun nung nag-T.A. siya sa Main Lib, pinuslit daw niya galing sa isang ataul sa storage room.

Kung saan man galing yung libro na yun, ito ang may gawa ng lahat ng iyon. May mga kung anu-anong nakasulat dun. Mga ritwales, imbokasyon, at kung anu-ano pa. Siyempre, bilang isang "mamamayan ng makabagong milenyo", hindi naniniwala sila Japet dun. Ayun, sinubukan nila. Inabangan ang kabilugan ng buwan, hinanda ang mga kailangang materyales, ginawa ang mga ritwal.

At may ginising sila.

Patay na si Japet. Alam mo naman yun, nakita ata ng lampas benteng katao yung natira sa bangkay niya, nakabalandra sa harap ng Oblation. Si Lito, Grace, at Jojie lahat namatay na rin. Hindi kasing publiko ng pagkamatay ni Japet, pero naisa-isa din sila. Si Lito, nahulog daw sa bangin. Si Grace at Jojie, nalunod daw. Pero wala akong alam na bangin na nag-iiwan ng mga bakas ng ngipin, at ang nalulunod ay hindi dapat nagmumukhang nginatngat muna ang mga braso at binti.

Alam ko, kasi kasama ako sa mga nagkilala sa bangkay. Best friend ko si Grace, at iniwan niya ako ng sulat na nagsabi ng lahat. Ang problema, mukhang kung ano man ang humabol sa kanila ay humahabol na rin sa akin. Naiwasan ko siya nung una, salamat sa sakripisyo ni Tito Dan, pero alam ko ngayon na bilang na ang mga oras ko sa mundong ito.

Parang awa nyo na. Alam kong sinusumpa ninyo ako ngayon dahil sa kinuwento ko na ito sa inyo, pero kailangang may makaalam at subukang pigilan ito. Hindi ko alam kung paano niyo ito gagawin. Baka nasa libro ang sagot. Ewan ko kung san iniwan ni Japet ito, baka sa Main Lib pa rin, o baka sa apartment niya sa Umali.

Habang sinusulat ko ito ngayon, may naririnig na akong kumukuluskos sa labas ng bintana ko. Ewan ko kung pusa lang ito, o ibon, o kung ito na yung nilalang na pumaslang at kumain sa mga kaibigan ko. Kung mapatay man ako, sana matuklasan at mapigilan ninyo ang kung ano mang pumatay sa akin. Kung ano man ito, malamang ikaw na ang susunod na hahanapin nito.

Patawad,
Rose Ann


You stare in surprise after reading the previous message, sent to you by someone you hardly even know via a Facebook PM. The following day, you hear on the news that a young girl has been found ripped to pieces inside her apartment in Los Baños, Laguna. Police suspect it to be the work of a drug addict on a particularly bad trip. They show her image on the news report, and a chill courses up your spine as you realize that the face is that of the girl who sent you that Facebook PM. Was the girl, Rose Ann, a victim of a nutcase tripping on LSD, or was something more sinister going on?

~oo0oo~oo0oo~oo0oo~

"... American officers in the Philippines find certain tribes bothersome about this time..."

-Excerpt from Call of Cthulhu by H.P. Lovecraft, in reference to the time when Cthulhu was almost awoken

Yes, it is a Lovecraftian Horror RP. Yes, it is set in the Philippines, in Los Baños, specifically. Yes, you may RP yourself, if you want.

Sign-up Sheet
Name:
Age:
Gender:
Occupation:
Short Bio:
Description/Picture:

_________________

Back to top Go down
Zuramaru

avatar

Posts : 3308
Join date : 2011-08-02
Age : 28
Location : nyan

PostSubject: Re: Lihim sa Los Baños (Lovecraftian Horror) Discussion and Signups [RP RESURRECTED]   Fri Nov 14, 2014 10:21 pm

can I RP as Jomuel

GG desu

_________________

Datenshi Yohane
Back to top Go down
Vir

avatar

Posts : 1486
Join date : 2011-08-02
Age : 27
Location : Kanto

Character sheet
HP:
104/104  (104/104)
Cash: 10700

PostSubject: Re: Lihim sa Los Baños (Lovecraftian Horror) Discussion and Signups [RP RESURRECTED]   Sat Nov 15, 2014 12:05 am

You can, as long as you RP him properly. Very Happy

_________________

Back to top Go down
Sponsored content




PostSubject: Re: Lihim sa Los Baños (Lovecraftian Horror) Discussion and Signups [RP RESURRECTED]   

Back to top Go down
 

Lihim sa Los Baños (Lovecraftian Horror) Discussion and Signups [RP RESURRECTED]

View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
jodsh :: RP Corner-